Consular offices, isasara sa Hunyo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Inihayag kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Consular Affairs (OCA) sa publiko ang pansamantalang pagsasara sa Hunyo ng ilan nitong consular offices.

Sa pahayag ng DFA, sarado sa publiko ang lahat ng consular office sa bansa sa Hunyo 12 (regular holiday) bilang paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Bukod dito, may lokal na pista opisyal naman na ipagdiriwang sa Hunyo 20 (Miyerkules) sa CO-Lipa para na rin sa Lipa Foundation Day; Hunyo 23 (Sabado) sa CO-Puerto Princesa bilang paggunita sa Foundation of the First Civil Government ng Palawan matapos ang digmaan ng Amerika at Pilipinas; Hunyo 29 (Biyernes) sa CO-Calasiao (St. Peter and Paul Festival) at sa CO-Tuguegarao (Aggao Nac Cagayan Festival); at Hunyo 30 (Sabado) sa CO-Tacloban dahil naman sa Fiesta ng Tacloban.

Ayon pa sa DFA, walang passport online appointment slots na naka-schedule sa nasabing mga petsa.

-Bella G. Gamotea