5 bata nasagip sa bugaw na Czechoslovakian

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

ANGELES CITY – Sa selda ang bag­sak ng isang turistang Czechoslovakian matapos kasuhan ng human trafficking dahil sa umano’y pang-aabuso at pam­bubugaw sa limang menor de edad.

Sa pagsisikap ng Police Regional Office 3 sa pamumuno ni Chief Supt Amador V Corpus, Region 3 police director, na matuldukan ang lahat ng uri ng ilegal na aktibidad, nagsagawa ng entrapment at rescue operation ang mga tauhan ng Regional Anti-Trafficking in Persons Task Group 3 (RATTG 3) sa Barangay Malabanias, Angeles City at tuluyang naaresto ang suspek at nasagip ang limang bata nitong Linggo.

Kinilala ni Sr. Insp. Santi Frey Lorenzo, hepe ng RATTG3, ang suspek na si Pavel Nedoba, alyas Pol o Daddy Pol, 43, ng Czech Republic, at nakatira sa No. 4, Gu­moko Apartment, Mt. Mayon Ext. corner Mt. Arayat Street, Clarkview Subdivision, Bgy. Malabanias, Angeles City.

Kinasuhan si Nedoba ng paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act) at RA 7610 (Special Protection of Children against Child Abuse, Exploi­tation and Discrimination Act).

Idiniretso naman ang mga biktima sa DSWD Haven for Girls Center sa Magalang, Pampanga.

-Mar T. Supnad