2 obrero sabit sa panghihipo, panghahalik

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN JOSE, Tarlac – Kinasuhan ang dalawang construction workers matapos umanong hipuan, yakapin at halikan ang isang 29-anyos na babae sa Barangay Maamot, San Jose, Tarlac kamakalawa.

Sa ulat ni PO2 Leizel Bunagan, tumangging humarap sa imbestigasyon ang mga suspek na sina Marlon Sabes at Freddie Beniqued, kapwa nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, nag-iinuman ang mga suspek nang lapitan ni Sabes ang biktima at niyakap, dakong 7:00 ng gabi. Nakisali na rin umano si Beniqued at hinipuan ang biktima sa maseselang parte ng katawan.

Nagpasaklolo ang biktima sa mga barangay officials ng Maamot, ngunit hindi sumipot ang mga suspek kaya kapwa sinampahan ng kaukulang kaso.

-Leandro Alborote