Aktres, umamin na halos mamatay na siya sa sobrang pagod

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

PANALANGIN ng kilalang aktres na sana ay hindi siya dapuan ng sakit sa halos wala nang pahingang taping ng teleserye na kinabibilangan niya.

May iba pa kasi siyang ginagawa bukod sa serye, kaya ang mga araw na dapat sanang ipagpahinga o itulog niya dahil umaga na siya napa-pack-up sa serye ay sumisegue pa siya sa ibang project.

Naaawa na ang mga kasamahan ng kilalang aktres sa kanya at pinapayuhan siyang magpahinga naman dahil baka bumagsak ang katawan niya.

“Oo nga po,” pag-amin naman daw ng aktres, “hindi ko na kaya sa pagod, mamamatay na ako sa sobrang pagod.”

Kinumusta namin sa kasamahan ng aktres ang ratings ng teleseryeng kinabibilangan nila.

“Okay lang, hindi ganu’n kataas ang ratings,” say ng kasamahan nito sa serye.

Balik-tanong namin, ‘Ay bakit, okay naman ang kuwento, ah?”

“Ewan ko, hindi ko rin maintindihan at konti rin ang advertisers, hindi ko alam kung saan ang problema,” sagot sa amin.

Nakakapanghinayang naman pala ang pagod ng lahat ng kasama sa teleserye.

Anyway, mabuti na lang at super-understanding ang boyfriend ng kilalang aktres. Kahit hindi sila masyadong nagkikita ay loyal pa rin sa kanya ang guy.

–Reggee Bonoan