Sarah Paulson, proud kay Holland Taylor

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

SARAH Paulson is living her life – kahit na ano pa ang sabihin tungkol sa kanya.

Sarah at Holland copy

Ayon sa ulat ng Entertainment Tonight, nagsalita na ang 43 taong gulang na aktres tungkol sa kanyang relasyon kay Holland Taylor, 75, sa June issues ng Modern Luxury, at ibinunyag na wala siyang pakialam sa mga namimintas sa kanilang 32-year age gap.

“If someone wants to spend any time thinking I’m strange for loving the most spectacular person on the planet, then that’s their problem,” sabi niya. “I’m doing just fine.”

Ang opinyon ng Ocean’s 8 star tungkol sa kanyang relasyon kay Taylor ay angkop sa kanyang mga ideya tungkol sa pagtanda. “If being older means the kind of roles that I’m getting to play now because of all the ups and downs and hills and valleys preceding it, I say bring it on,” aniya.

“Every once in a while, I’ll go, ‘Wow. That’s seven years shy of 50.’ That’s the big five-oh. But then I go, ‘Stop running seven years down the road. You have no idea what your life will look like and where you’ll be,’” pagtutuloy ni Paulson. “And that’s just what makes life so sweet. You cross your fingers, take a deep breath and jump. And that’s really all you can do.”

Unang kinumpirma ni Paulson ang kanyang relasyon kay Taylor noong Marso 2016, halos isang dekada mula nang magkakilala sila sa isang dinner party, ayon sa ulat ng The New York Times. Noong mga panahong iyon, karelasyon ni Paulson ang aktres na si Cherry Jones, na mas matanda sa kanyang ng 18 taon.

Nang makapanayam si Paulson noong Pebrero ng Town & Country, sinabi ni Paulson na ayaw “(she doesn’t want to be defined by who I share my bed, my home, my soul with.

“My choices in life have been unconventional, and that’s my business.”

“Our relationship represents a certain amount of hope and risk,” paglalarawan niya sa relasyon nila ni Taylor. “Maybe there’s something brave in it. Maybe it encourages others to make brave choices. What else can I say? We love each other.”