Aktor at aktres, ‘di makapagpakasal dahil sa mga kontrata

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

“ABANGAN mo, manggugulat na lang sila (aktor at aktres) na ikakasal na sila.”

Ito ang kaswal na sinabi sa amin ng taong malapit sa dalawang kilalang personalidad sa showbiz.

Tuwing may magkahiwalay na media conference ang aktor at aktres, lagi silang natatanong kung kailan nila planong magpakasal pero parating ngiti ang sagot at idinadahilan ang kanilang respective career.

Laging natatawa ang aktor kapag sinasabing maghintay na lang kung kailan dahil ini-enjoy muna nila ang relasyon nila ng aktres, pero kung sakaling biglaan ay nakahanda naman daw siya.

Samantalang ayaw namang sumagot ng aktres kaya iniiba na lang ang topic, at kesyo hindi pa siya handa.

“Tinatapos na lang niya ____ (aktres) ang mga kontrata niya sa mga iniendorso niyang produkto, bawal kasi siyang mag-asawa, alam mo na, milyones ang mga halaga,” sabi pa ng aming source.

Papayagan na ba ng may hawak na talent management agency na mag-asawa ang aktres?

“May kontrata rin siya, kailangan niyang tapusin. Bawal ding mabuntis ang sinuman sa talents ng _____ (talent agency) kaya nga pinatuturukan sila para hindi mabuntis,” pagtatapat pa sa amin.

Hmmm, kaya pala halos lahat ng aktres na nakapirma sa talent agency ay hindi nabubuntis kahit matatagal nang may karelasyon.

Perfect example ang sikat na aktres na alam naman ng lahat na hot babe at foreigner ang boyfriend, pero ni minsan ay hindi nabalitaang na-delay ang buwanang dalaw at nanatiling sexy. ‘Yun nga lang, halatang natutuyot na.

Clue sa aktor at aktres na bida sa blind item natin ngayon? Sobrang maingay ang aktres dahil ayaw niyang mawalan ng career kasabay na rin ng demanda kapag sumira siya sa kontrata niya.

Kaya ang aktor, waiting galore kung kailan mag-i-expire ang mga kontrata ng aktres.

–Reggee Bonoan