Agot Isidro, tatanggapin ang alok ng oposisyon?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BINANGGIT sa amin ng kaibigan naming kongresista na may posibilidad na tanggapin ni Agot Isidro ang alok ng Liberal Party sa pamamagitan ni Sen. Kiko Pangilinan na tumakbo para senador sa darating na eleksiyon.

AGOT copy

May pag-asa raw na na mapasama sa mga mananalong senador sa 2019 elections dahil sa matatapang na pahayag ng aktres laban sa administrasyon ni Presidente Rody Duterte.

Pero ayon sa kakilala naming malapit kay Agot, dapat na pag-isipang mabuti ng singer/actress ang pagpasok sa magulong pulitika. Pero tulad ng sinabi ng kongresista, naniniwala rin siya na malaki ang posibilidad na tanggapin ni Agot ang alok ng oposisyon dahil gigil na gigil na rin daw ang aktres at mas maipapahayag nito ang mga saloobin pagdating ng kampanyahan.

Isa sa matatapang na kritiko ng administrasyon si Agot. Kaya tiyak na pasok na pasok ang aktres sa mga iboboto ng anti-Duterte at tiyak na susuportahan siya ng mga ito. Sa darating na October pa ang filing ng candidacy para sa 2019 elections, at dahil napag-usapan na ang pangalan ni Agot, tiyak na mapapasama na rin ang pangalan niya sa susunod na survey sa mga tatakbong senador.

Hati naman ang nakukuha naming reaksiyon sa mga taga-showbiz. Pero higit na mas marami ang pabor at meron din namang kontra. Isang kasamahang showbiz reporter ang nagsabing matatalo lang daw si Agot, kontra sa maraming naniniwala na mananalo ang singer/actress.

Ayun sa isang beteranong manunulat, kailangan sa Senado ang katulad ni Agot Isidro. Kung kumpara lang naman daw kay Mocha Uson, sampung doble raw niyang ipaglalaban si Agot.

Ayon naman isa sikat na aktres na nakausap namin, nakakasiguro na si Agot sa suporta niya.

-JIMI ESCALA

  • WARONDRUGS^_^

    MALAKI KITA DYAN BASTA LAGI MO LANG BABANATAN SI P. DIGONG TULAD NI TRAYDOLANES….^_^