Koreans, winalis ang FISU World golf tilt

Filed under Golf Balita RSS RSS Feed

LUBAO, PAMPANGA — Impresibo si Japanese Daiki Imano sa naiskor na bogey-free six-under 66 para masungkit ang kampeonato sa men’s division ng 17th FISU World University Golf Championship nitong weekend sa Pradera Verde Golf and Country Club.

balitaTINANGHAL na top three women’s individual winners sina (mula sa kaliwa) Minji Kang, Dasom Ma, at Yeonjung Son asa World Universiade golf championship nitong weekend sa Lubao, Pampanga.

TINANGHAL na top three women’s individual winners sina (mula sa kaliwa) Minji Kang, Dasom Ma, at Yeonjung Son asa World Universiade golf championship nitong weekend sa Lubao, Pampanga.

Mistulang perperkto ang bawat aspeto ng laro ni Imano na kumana ng anim na birdies, kabilang ang halos tapok na birdie sa par-5 18th para maungusan ang three-day leader na si Henry Tschopp ng Switzerland.

“My brief stay in the Philippines was made memorable with my victory today. I am really happy with the result,” pahayag ng 21-anyos na si Imano, kumana ng round 33-33 tungo sa kabuuang 278 puntos.

Kasama ang naunang iskor na 72, 68, at 72, ang rank No.3 sa amateur class ang nangibabaw sa torneo na sanctioned ng International Sports University Federation (FISU) at inorganisa ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP).

Bumuntot na may dalawang stroke na agwat bilang runner-uo ang kababayang Philippine-based na si Yuto Katsuragawa, miyembro ng Manila Southwoods na naglaro sa 71st PAL Interclub nitong Marso. Tangan nuiya ang kabuuang ikor na 280 mula sa rounds na 74-70-67-69.

 

Nagtamo naman si Tschopp ng double bogey sa par-4 No. 16, dahilan para malaglag ang 19-anyos mula sa Zurich native sa ikatlong puwesto tangana ng iskor na 74 sa final round at kabuuang 281 sa four round tournament.

“I came here to win and not to get third that’s why I tried my best. I started well on the front nine up until the 16th hole. But, nevertheless, it was an awesome week and great tournament,” pahayag ni Tschopp.

Naghabol naman ng walong puntos si Ruperto Zaragosa, runner-up sa ginanap na National Pro-Am sa nakalipas na linggo sa Splendido, tangan ang kabuuang iskor na 286 at makisosyo sa ikaanim na na puwesto kasama si South African Kyle Raymond De Beer.

Sa women’s class, nawalis ng Korean women’s team ang torneo sa 1-2-3 finish sa individual at kabuuang 567 iskor.

Kumana si Dasom Ma ng 282 puntos, limang stroke ang bentahe sa kababayang Minji Kang (287) at Yeonjung Son, 290.

Kabuuang 68 golfers mula sa 13 bansa ang nakiisa sa torneo na suportdo rin ng Department of Tourism, Tourism Promotions Board, Pradera Verde, Arena Lux Enterprise, Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc., Seascape Village, at Aurora Securities, Inc