Wanted sa droga, tiklo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

LIPA CITY, Batangas – Nadakip ng pulisya ang isang most wanted nang magsagawa ng operasyon sa Barangay Marawoy sa Lipa City, nitong Miyerkules.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Aries Alikpala, 33, tubong Lemery, Batangas at taga-Marawoy, Lipa City.

Nagsagawa ng operasyon ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa bahay ng suspek bandang 8:35 ng umaga.

Hawak ng arresting officer ang warrant of arrest, na inilabas ng Lipa City Regional Trial Court, at inaresto si Alikpala.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

-Lyka Manalo