Ni-rape ang misis ng tropa kulong

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Arestado ang isang factory worker nang halayin nito ang live-in partner ng kanyang kaibigan sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa report kay Police Sr. Inspector Gina DC Pariñas, hepe ng Women’s and Children Concerned Desk (WCPD), kinilala ang suspek na si Larry Cabangunay, 27, ng No. 207 Feliza Bukid, Barangay Parada ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng biktima, 17, kina PO2’s Ana Grace Mendoza at Cherbim Baluli ng WCPD, kasama niya ang kanyang live-in partner at namamalengke sa Bgy. Parada, dakong 6:00 ng gabi.

Nasalubong ng mag-live-in partner si Cabangunay na matagal umano nilang hindi nakita at nagkayayaan na mag-inuman sa bahay ng suspek.

Pumayag ang mag-live-in partner at nagtungo sa bahay ni Cabangunay at nakipag-inuman kasama ang dalawang kalugar ng suspek at inabot ng hanggang 10:00 ng gabi.

Dahi l sa kalasingan, nagdesisyon si Cabangunay na patulugin ang mag-live-in partner sa kanyang bahay.

Pagsapit ng 1:00 ng madaling araw, hinipuan ng suspek ang biktima.

“Hindi po ako makasigaw kasi may hawak siyang patalim at nakatutok sa tagiliran ko,” sabi ng biktima.

Nagising ang live-in partner ng biktima at nakitang inaabuso ni Cabangunay ang kinakasama kaya tinadyakan niya ito hanggang sa kumaripas.

Makalipas ang ilang minuto, nadakip si Cabangunay ng mga tauhan ng PCP 10 sa loob mismo ng kanyang bahay.

Kinasuhan si Cabangunay ng Rape in Relation to 7610 (Child Abuse).

-Orly L. Barcala