John Lloyd, goodbye na sa showbiz?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TULUYAN na ba ang pamamaalam ni John Lloyd Cruz sa showbiz?

jlc

Napanood ang video na inilabas ng ABS-CBN News na kuha sa pagdalo ni John Lloyd sa Archivo 1984 exhibit na “Reinterpreting Vic Delotavo’s Posters For Phi l ippine Cinema” na ginanap sa UP Vargas na tampok ang aktor.

Ang video ay kuha ng crew ni Mario Dumaual ng ABS-CBN habang kausap niya si John Lloyd. Maayos at masaya namang nakipag-usap kay Mario ang aktor, pero nang tanungin na tungkol sa showbiz, umiwas na siya. Ang sagot niya sa huling tanong ni Mario, “Hay naku, I don’t wanna deal with that . I ’m sorry , excuse me,” at tuluyan nang lumayo sa entertainment reporter ng TV Patrol.

Matagal-tagal na ring walang balita tungkol kay John Lloyd, maliban sa Instagram stories na ipino-post ni Ellen Adarna, isa nga rito ang video habang ginugupitan niya ng buhok ang aktor na halos kalbo na.

Mukha namang enjoy at mas malusog ang katawan ngayon ng aktor kays a noong i-announce niya ng kanyang indefinite leave of absence sa showbiz simula noong October 17, 2017. Iniwan niya ang mga programa niya sa ABS-CBN ganoon din ang kanyang endorsements.

Hinihintay rin ng netizens ang confirmation kung totoo nga bang nagsilang na si Ellen at kambal nga raw.

-NORA CALDERON