Jessy Mendiola, naaksidente; nakatulog ang driver

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

AKALA raw ni Jessy Mediola ay katapusan na niya ang nangyaring aksidente sa kanya kamakailan.

jess

Kuwento sa amin ng kasintahan ni Jessy na si Luis, nakatulog ang driver ng dalaga kaya nabangga ang kotse nila.

Pero naintindihan naman daw ni Jessy ang kanyang driver dahil sobrang pagod at puyat sila dahil inabot ng madaling araw ang taping nila ng Ang Probinsiyano.

Galing sa taping ng aksiyon-serye si Jessy at inabot sila ng alas tres ng madaling araw. Nang bumangga sa barrier ng kalsada ang sasakyan, buong akala ni Jessy ay katapusan na niya.

Pero mabuti na lang, nakontrol agad ng driver ang sasakyan at naibalik sa gitna ng kalsada.

“I honestly thought I was going to die,” kuwento ni Jessy. “The scariest part was the side that got hit was where I was sitting maybe that was why I was the one who woke up first.”

Tumawag agad ang aktres kay Luis na siyempre’y alalang-alala sa nangyari.

“Siyempre, very thankful kami at walang nangyaring hindi maganda at pati na rin ‘yung mga kasunod nilang sasakyan. Thank you God,” sey ni Luis.

Magkapareho pala ng ugali sina Luis at Jessy, na sa halip na pagalitan at sisihin ang driver ay sinabihan ito ng aktres na mag-ingat sa pagmamaneho.

“Siyempre, pareho silang pagod at puyat, kaya huwag na nating sisihin ang mga driver natin,” ani Luis.

P e r o ma y p a y o pa rin si Luis sa mga driver na nagpupuyat at nagmamanehong pagod .

“Our advice to drivers or to anyone who’s driving long hours, kung medyo n a r amdama n n a t i n g inaantok na tayo, eh, please stop and take a quick nap,” aniya

-JIMI ESCALA