Dingdong, tuloy na ang pagdidirihe sa show ni Marian

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MATUTULOY na ang matagal nang hinihintay ng fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mag-guest bilang director ang una sa Tadhana, ang Saturday drama anthology ng GMA-7 hosted by Marian at siya rin ang magiging artista.

MARIAN AT DINGDONG

Si Dingdong ang director ng anniversary episode ng Tadhana na ang nabasa naming working title ay Bahrain. Gagampanan ni Marian ang role ni Jackie Humabon, may asawa at may dalawang anak. Ipinost ni Dingdong sa kanyang IG story ang script ng episode na wala pang nakalagay na gaganap bilang dalawang anak at asawa ni Marian.

Samantala, busy ang schedule ni Dingdong dahil simula na ng promo para sa movie nila ni Anne Curtis na Sid & Aya (Not A Love Story) na sa May 30 ang playdate, mula sa direction ni Irene Villamor. Maganda ang trailer ng pelikula na habang sinu-shooting pa lang ay inaabangan na kung kailan mapapanood.

Anyway, pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) si Dingdong bilang kinatawan ng Pinoy Foundation para sa GMA Network Excellence Award na tumutulong sa kabataang Pinoy na gustong mag-aral. Nagbibigay sila ng scholarship sa kabataang gustong makatapos ng pag-aaral.

Post ni Dingdong pagkatapos ng MOA contract signing: “See that smile on my face? That’s just a glimpse of how happy i am whenever i wear my “other” hat. I am looking forward to another year of partnership with GMA for the GMA Network Excellence Award (GNEA), as we continue our search for the country’s outstanding student leaders who are taking up communicatiob and technology-based courses.”

–Nitz Miralles

  • MochoGarbo

    nice to see yan in tadhana to be directed by dong.
    we are donyan. paging dongyan fans, please suppot tadhana where Pauline Mendoza be on the bida role (remember Pauline as crisel in kambal karibal) on may 19th. Marian rivera is Pauline idol. Pauline does good acting as multo in kambal karibal.