Buhay pa sila sinusunog na ang mga kaluluwa –Sharon Cuneta

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY pasabog na naman si Sharon Cuneta sa social media at kung tama ang aming nabasa, galit na naman si Megastar sa tao na kahit hindi pinangalanan, malalaman kung sino ang tinutukoy.

GABBY AT SHARON

“Eh, napakasama ko pala, eh, sino ang tanga? 1.) Bakit ako pinakasalan? 2.) Bakit ilang taon na kaming hiwalay binabalikan pa ako? Huwag tanga. Kunin muna ang facts. Hindi ‘yung nakikigawa pa ng kasinungalingan makasira lang ng kapwa. Ako kaya ko gamitin ang name ni God sa pagsasabi ng kuwento kasi totoo lahat ng pinagsasabi ko over 30 years.

“Consistent ‘di pabagu-bago. ‘Yang ‘masama akong nanay o babae’ aba this year n’yo lang inumpisahan ‘yan, ah! Ang pruweba ko na mali kayo? Ayun — isang napakagandang dalaga na may degree mula pa sa Paris, intelihente at may class. Ako nagpalaki, eh! Sana lang magpasalamat man lang sa akin kasi ‘di ko siya sinira at ‘di ko binrainwash ang anak ko na i-hate siya o di siya respetuhin. That should tell you all something about the kind of person I am. You refuse to see me and the good I’ve been raised with and raised my daughter with, because you gave her NOTHING. And instead of a ‘Thank you, Sharon,’ this is what I get? I do not deserve this. Enough is enough. God KNOWS THE TRUTH. DECLARE WAR WITH THAT.”

Pero maganda ang simula ng post ni Sharon gamit ang video ni KC Concepcion at maganda rin ang caption niya na, “My life’s work and the name I worked so hard to build over four decades will NEVER mean more to me than you. My Kristina. I love you with all my heart, my #1 @itskcconcepcion.”

Pero ang kasunod noon, iba na ang tono ng Megastar dahil nag-react sa isang basher na sabi, fan ni Gabby Concepcion. Kinuyog ang basher ng fans ni Sharon, kaya dinelete ang nega comment niya kay Sharon.

May isa pang basher na sinagot ni Sharon at halatang doble ang galit nito dahil may parte sa comment niya na in all caps.

“HELLO! WALANG KUWENTANG INA? NAKITA NA BA NILA APAT NA ANAK KO? ATING I COMPARE SA KABABUYAN AND KABASTUSAN NG BASHERS NA YAN! Sabagay… alam mo ang isang role din ng idolo ay ang kausapin ang fans niyang mga bastos para huwag ganon at masamang ugali yon. UNLESS MANA SA IDOLO ANG MGA BAHO NG BIBIG. At lahat ng kuwento ng idolo nilang SINUNGALING-PAPANINDIGAN KO ‘YAN NG MAY EBIDENSYA KAHIT SAANG KORTE — na ‘di ko aalam kung bakiiiiit ba napakawalang utang na loob at sana pinalaki ko na lang ang panganay ko na punung-puno ng hatred sa kanya — ay IMBENTO nang IMBENTO ng mga istorya. Ang lalaking gano’n ay malamang nakukulangan sa sariling pagkalalaki kaya kailangan kababaeng tao ng walang kasing matiising babae ay kailangan sirain. Wala akong sinabing pangalan. Guilty lang ang tamaan. Buhay pa sila sinusunog na ang mga kaluluwa. Kawawa naman, alam ng PANGINOON lahat ng sinasabi ko at sinasabi niya. May parusang parating sa sinungaling. Yehey!!!”

Dagdag pa ni Sharon, maraming utusang nabola na i-defend ito. Maling daan daw ‘yun. Again, wala siyang binanggit na pangalan, pero obvious kung sino ang tinutukoy.

May sinagot din si Sharon na nag-comment na normal lang na may tampuhan ang magulang at anak. Sagot ni Sharon, “KC and I are super OK.”

Sa nag-comment na may tsismis na ‘di mahal ni Mega si KC, may sagot uli si Sharon. “WHEN?!!! May nagsabi talaga nu’n? OMG! Ang kapal! Hahahaha kinain ko pati ang sinuka kong dugo dahil sa pagmamahal sa panganay ko. Basta alam ng DIYOS and the people who matter to me yan, okay na. I actually texted her that not even today, before I posted it!”

-NITZ MIRALLES