Binatilyo pinagdroga, ni-rape

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CABANATUAN CITY – Kulong ang isa umanong bugaw nang ireklamo ng isang binatilyo dahil sa umano’y panggagahasa at pagpapagamit sa kanya ng droga sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong nakaraang Mayo 8.

Sa reklamo ng biktima, 17, ng Barangay Bantug Norte, Cabanatuan City, umalis siya sa kanilang bahay matapos siyang pagalitan ng kanyang kapatid.

Nagpasya siyang magpalipas ng oras sa isang computer shop sa nasabing barangay, dakong 11:00 ng gabi.

Makalipas ang ilang oras, nagtungo ang biktima sa isang parke kung saan niya nakilala ang suspek na si Jay Mark dela Peña, 22, ng Purok 4, Bgy. Bantug Norte.

Naganap ang insidente nang yayain ng suspek ang biktima sa isang hotel at sa bahay ng una kung saan pinagamit pa umano ng ilegal na droga ang binatilyo.

-Light A. Nolasco