I don’t burn my bridges –Eric Quizon

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ABALA ngayon si Eric Quizon sa dalawang project para sa dalawang malalaking television network.

ERIC QUIZON

“Maliit lang ang mundong ginagalawan ng showbiz. It is best not to burn your bridges so you can work with anyone,” pahayag niya.

Balik-director din si Eric sa pelikulang My 2 Mommies na naging big hit sa mga sinehan simula nang ipalabas last week. Mother’s Day presentation ito na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Solenn Heusaff para sa Regal Films na itinuturing na pangalawang tahanan ni Eric.

Kung si Mother Lily ang masusunod, gusto niyang magdirek na lamang si Eric ng pelikula kaysa magdirek ng teleserye. Balak sundan agad ang My 2 Mommies ng proyektong pagbibidahan ni Maricel Soriano na may working title na Widow/Widower.

May pelikula ring binubuo na pagsasamahan nina Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez at Carmina Villaroel na pinamagatang Titas of Manila. Sa tunay na buhay ay may teeners nang anak ang tatlo.

At 51, Eric Quizon has come full circles.

–Remy Umerez