Projects ng dalawang producers, nadiskaril dahil sa nasirang tiwala

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAUNSYAMI ang projects na pagsososyohan sana ng dalawang producers dahil sa tiwalang nasira.

Nakapanghihinayang na hindi na magsososyo ang dalawang kilalang movie producers na tatawagin nating A and B.

Maraming beses nang nagkatrabaho sina Movie Producer A and Movie Producer B na halos lahat ng prinodyus ay kumita. Kaya gustung-gusto ng mga nakakausap naming artista na makagawa ng pelikula sa dalawa. Bukod kasi sa magaganda ang mga project ay talagang malalaki at magaganda ang istorya.

May nakatakdang malaking project na pagsasamahan sana sina Movie Producer A at Movie Producer B na kukunan sa ibang bansa na parehong malaking artista ang mga bida, bukod sa iba pang naka-line up na aabot sa limang pelikula ngayong 2018.

Pero may nagawa si Movie Producer A na hindi nagustuhan ni Movie Producer B dahil usaping sa tiwala.

Kilalang-kilala namin si Movie Producer B na napakadiretsong kausap. Verbal man o written contract ay iginagalang niya at wala siyang panahon sa mga tsikahang showbiz, dahil puro trabaho ang ginagawa niya. Kaya naman successful siya sa lahat ng ginagawa niya.

Si Movie Producer A ay matagal na sa industriya, kaya kapado na ang lahat ng mga nangyayari o mangyayari pa lang sa showbiz lalo na sa usaping pagkakakitaan. Pero isang bagay ito na hindi nagustuhan ni Movie Producer B.

Ayon na rin sa taong malapit sa kanya, “Hindi sa lahat ng bagay ay pera ang usapan. Minsan isipin din ang pagkakaibigan at ang tiwalang ibinibigay sa ‘yo,”

Kaya ang ending, may silent war sina Movie Producer A at Movie Producer B na hindi namin alam kung maiaayos pa. Pero kilala nga namin ang huli na madaling magpatawad, pero hindi siya nakalilimot. Baka nga hanggang doon na lang ang sosyohan nila.

–Reggee Bonoan