Medalya sa 150 war veterans

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Nasa 150 Pilipinong beterano noong World War II ang tumanggap ng Congressional Gold Medal Award sa World War II Filipino Veterans Congressional Gold Medal Presentation sa Coral Ballroom sa Hilton Hawaiian Village, Honolulu, sa Hawaii nitong Mayo 6.

Naging emosyonal ang mga natitirang buhay na beterano, gayundin ang kanilang pamilya, sa pagtanggap ng award.

Ikinararangal naman ni Consul General Jimeno ang pagtanggap ng award bilang kinatawan ng kanyang namayapang ama na dating guerilla, si Eleutario Jimeno.

-Bella Gamotea