Libreng entrance fee sa Yuchengco Museum

Filed under Features Balita RSS RSS Feed

Isa ang Yuchengco Museum sa mga museo na magkakaroon ng free admission bukas, Biyernes, May 18, 2018 para ipagdiriwang ang International Museum Day.

IMD Yuchengco museum

Simula pa noong 1977 ay pinangungunahan na ng International Council of Museums (ICOM) ang International Museum Day tuwing ika-18 ng Mayo. Ang pagdiriwang ng International Museum Day ngayong taon ay may temang, “Hyperconnected museums – New approaches, new publics.”

Makikita sa Yuchengco Museum ang mga likha ng mga Filipino painters, National Artists, mga modernists at iba pang mga paintings, prints at sculptures.

Matatagpuan ang museum sa Plaza, corner Ayala and Sen. Gil J. Puyat Avenues, Makati. Bukas ito mula Lunes hanggang Sabado, 10am – 6pm. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa (632) 889-1234 o bisitahin ang kanilang website:  www.yuchengcomuseum.org

-Angelli Catan