Harden vs James sa MVP Awards

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

NEW YORK (AP) — Ipinahayag ng NBA nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) na sina James Harden ng Houston, LeBron James ng Cleveland at Anthony Davis ng New Orleans ang finalists para sa 2018 season MVP award.

Harden at James

Harden at James

Dalawang beses na runner-up si Harden bilang league NBA, kabilang ang kabiguan kay Russell Westbrook sa nakalipas na season, habang naitanghal nang MVP si James sa apat na pagkakataon.

Ilalahad ang resulta nang voting sa Hunyo 25 sa Santa Monica, California sa NBA Awards. Napili ring finalist para sa ‘Defensive Player of the Year’ si Davis laban kina Rudy Gobert ng Utah at Philadelphia center Joel Embiid.

Sa ‘Rookie of the Year’ award, naglalaban sina Donovan Mitchell ng Utah, Ben Simmons ng Philadelphia at Jayson Tatum ng Boston.

Napili namang finalist sa ‘Coach of the Year’ sina Dwane Casey, sinibak na Coach ng Toronto; Quin Snyder ng Utah at Brad Stevens ng Boston.

Maglalaban para sa ‘Sixth Man’ award sina Eric Gordon ng Houston, Fred VanVleet ng Toronto at Lou Williams ng LA Clippers, habang maglalaban sa ‘Most Improved Player’ sina Clint Capela ng Houston, Spencer Dinwiddie ng Brooklyn at Victor Oladipo ng Indiana