Derrick, alam na ‘di seryoso ang natatanggap na indecent proposals

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKINIG sa payo si Derrick Monasterio na ‘pag may presscon siya, huwag magbabanggit ng pangalan ng hindi kasama sa show o sa pelikula para hindi siya maakusahang “user” para pag-usapan ang project.

DERRICK AT BARBIE copy

Kaya wa l a s i y ang binanggit na ibang pangalan na wala sa cast ng Inday Will Always Love You at nakaiwas sa bashing. Good vibes na rin sa rom-com series na tuwa at saya ang hatid sa viewers at hindi makatarungan kung hahaluan ng nega vibes. Sana’y ma-maintain ang positive vibe sa pilot ng show sa May 21 at hanggang matapos ang airing.

May nagpayo rin kay Derrick na iwasang sabihing tuloy ang panliligaw niya kay Barbie Forteza dahil hindi kapani-paniwala’t boyfriend na nito si Jak Roberto.

Puwede naman pala ang ganoon dahil natapos ang interview namin na naka-focus lang sa show ang tsikahan at kung may napag-usapan mang ibang topic, ‘yung natatanggap na indecent proposal.

Hindi n a bago ‘yun kay Derek, na simulang magka-abs ay pinagpantsyahan na ng mga beki lalo na’t pilyo at may pagkamaharot din kung minsan. Pero hanggang biro lang siya.

“May nag-o-offer ng condo at sasakyan na hindi ko naman tinatanggap. Unless condo sa BGC, joke lang. Sa socmed idinadaan ang mga offer na alam mo rin namang hindi seryoso. Hindi ko rin naman sinasagot,” sabi ni Derrick.

Masaya si Derrick sa muling pakikipagtrabaho sa TV series kay Barbie dahil noong 2012 pa niya huling nakatambal, sa Paroah. Seventeen o 18 years old pa lang siya noon, ngayon ay 22 years old na siya, kaya bale five years silang hindi nagtambal ni Barbie sa telebisyon.

“Wala pa ring nabago kay Barbie, mabait, makulit at seryoso pa rin sa trabaho at higit sa lahat, mas lalo siyang gumaling na artista. Narinig n’yo naman na puro papuri sa kanya ang mga kasama namin sa cast, ganu’n siya kahusay at ka-professional at ang feeling ko naman, nakakasabay ako. Masaya ang Inday Will Always Love You, mag-i-enjoy ang manonood,” pangako ni Derrick.

–Nitz Miralles