Vic-Coco movie sa MMFF 2018, tuloy

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NORA CALDERON

TINANONG namin si Noel Ferrer, ang spokesperson ng executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kung totoo nga bang magsasama sina Vic Sotto at Coco Martin sa isang pelikulang kasali sa MMFF 2018.

Official Photos of the Vic Sotto and Pauleen Luna Wedding Photographer

“As per Coco’s camp, tuloy ang Coco and Vic movie,” sagot ni Noel.

Sinabihan na rin daw ang dalawang actor-producer na huwag na silang gumastos sa effects ng gagawin nilang pelikula, i-focus na lamang ang effort sa kuwento na babagay sa dalawang haring magsasama.

Bagay na bagay nga naman sa kanila ang masaya at heartwarming na kuwento na kapupulutan ng aral ng mga manonood, lalo na ng mga bata na dumudumog sa mga sinehan tuwing Kapaskuhan.

Marami ang nagsasabi na kaabang-abang ang pagsasamang ito ng hari ng komedya at hari ng aksiyon. Sino kaya ang magdidirek ng movie at sinu-sino ang makakatambal nila?

Ipinaalaala rin ni Noel na extended sa May 31, hindi na sa May 21, ang submission ng scripts na nais isali sa MMFF 2018. Taun-taon ay ito na raw ang fixed date ng deadline ng submission ng script.

Sa scripts na isusumite sa screening committee ng MMFF 2018 kukunin ang top eight entries na isasapelikula at ipalalabas sa mga sinehan simula sa December 25