SPEEd, Globe Studios, FDCP, at WISH, nagsama-sama para sa 2nd Eddys Awards

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa malalaking pangalan sa entertainment industry para sa pinakaaabangang 2nd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin sa Hulyo.

Sa ilalim ng direksiyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2017.

Ang Globe Studios ang major presenter ng 2nd Eddys’ Choice at ang fastest growing FM station na Wish 107.5 naman ang bubuo at hahawak sa production ng event.

Bago isagawa ang awards night, magkakaroon ng Nominees Night sa June 3, 5:00 p.m., sa 38 Valencia Events Place, Quezon City. Katuwang ng SPEEd sa Nominees Night ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairman Liza Diño.

Dito ibibigay ng mga opisyales ng SPEEd at ng FDCP ang certificates of nomination sa lahat ng mga nominado.

Pagkatapos ng awards night, gaganapin ang bonggang after-party na tatawaging The Eddys Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.

Kaabang-abang din ang special screening ng dalawa sa nominadong Best Film, ang Deadma Walking at Birdshot, sa Cinematheque Center Manila sa Mayo 26 at 27, 6:00 p.m..

Magkakaroon ng two-day filmmaking seminar-workshop ang SPEEd kasama ang FDCP at Globe sa Cinematheque Center para sa film enthusiasts at “play it right” anti-piracy campaign ng higanteng telecom company.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga editor ng national daily tabloid at broadsheet. Narito ang bagong set of officers at members ng SPEEd: Ian F. Fariñas (People’s Tonight), President; Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), External Vice President; Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon/Pang-Masa) Internal Vice President; Maricris V. Nicasio (Hataw), Secretary; Gie Trillana (Malaya Business Insight), Asst. Secretary; Dinah Ventura (Daily Tribune), Treasurer; Dondon Sermino (Abante), Asst. Treasurer; Dindo Balares (Balita), PRO; Ervin Santiago (Bandera), Asst. PRO; Rohn Romulo (People’s Balita), Auditor.

Board Members: Jojo Panaligan (Manila Bulletin); Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer). Council of Founding Members: Isah V. Red (The Standard); Eugene Asis (People’s Journal, na tumatayo ring chairman ng The Eddys), at Adviser, Nestor Cuartero (Tempo).