Rhian Ramos, mas pinili ang ama kaysa Cannes

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NORA CALDERON

MAS mahal ni Rhian Ramos ang kanyang amang si Gareth Howell at ang stepmother niyang si Nuan, kaya sila ang pinili niya kaysa dumalo sa world premiere ng movie niyang Trigonal at rumampa sa red carpet ng Cannes Film Festival nitong nakaraang Sabado, sa France.

Rhian Ramos May 15

Sa halip ay pumunta siya ng Thailand para um-attend ng 10th year anniversary party ng ama at wife nito. Matagal nang naninirahan sa Thailand ang daddy ni Rhian at owner ito ng Motral Hotel Samui doon.

Post ni Rhian sa kanyang @whianwamos Instagram: “Natutuwa talaga ako sa ganito. Baka lang isipin ng iba ‘di ito ‘yung konsepto ng isang buo na pamilya, pero para sa akin ito ang perpektong ehemplo ng buong pagmamahal natin sa isa’t isa. ‘Yung kahit ‘di naman tayo laging magkasama, parang wala pa rin namang nagbabago, maalaga ka pa rin, makulit, malakas mang-asar, at hanggang ngayon, marunong ka pa rin pumili, ha! Mabuti naman! Dahil d’yan, lalo pang lumalaki, sumasaya at nakukumpleto ang pamilya natin.

“Nagpapasalamat ako na nakahanap ka ng isang taong makakampihan ka habang buhay, pero minsan, kayang basagin din ang trip mo ‘pag ‘yun ang kailangan. Hahaha, mahal ko kayong dalawa Daddio, Nuan. Mahal ko ang pamilya natin. Talaga namang dapat ipinagbubunyi at ipinagdiriwang ang anibersaryong ito… wouldnt miss it for the world, halata naman siguro, mas ito ang Cannes ng buhay ko, eh. Pasensiya na at ayokong Inglesin to, ayokong i-Thai (‘di rin naman ako marunong)… kasi naman #AtTheEndOfTheDay, alam kong mage-gets din nyo lahat ‘yan pagkatapos ng paggu-google at lahat! Style lang ng buhay ‘yun. Nagpapakumplikado pero simple lang pala… happy 10 years family, magpa-party kayo ulit ‘pag 15 na, ha?”

Noong Holy Week, sa Thailand din nagbakasyon si Rhian kasama ang kanyang buong family, her mom at ang boyfriend niyang si Jayson. Isa nga silang isang whole big family.

Sa Friday na ang grand finale ng The One That Got Away na gumaganap siya bilang palaban na si Zoe. May triple wedding kayang magaganap kina Liam (Dennis Trillo) at Alex (Lovi Poe); Iñigo (Ivan Dorschner) at Darcy (Max Collins) at sina Zoe (Rhian) at Gael (Jason Abalos)?

Abangan, after ng Kambal Karibal sa GMA-7.