NBA: Phoenix, nanalo sa No.1 pick sa NBA draft

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Sa Chicago, Nabunot ang Phoenix para sa kaparatang pumili sa No.1 pick sa gaganaping NBA rookie draft sa Hunyo. Mistulang regalo sa Phoenix ang pagkakapili matapos maitala ang 21-61 marka – pinakamasaklap na karta sa NBA.

Ito ang unang pagkakataon na nakapili sa No.1 draft ang Phoenix Suns.

Noong 1969 drafting, ipinamigay ng Phoenix sa Milwaukee si Hall-of-Famer Kareem Abdul-Jabbar kapalit ni Neal Walk.

Ang Sacramento ang pipili sa No. 2 habang ang Atlanta ang No. 3 pick. Napili ang top three sa pamamagitan ng bunutan, habang ang No.4 hanggang No.14 ay ibabatay sa naging marka ng mga koponan sa nakalipas na season.

Nakatakda ang drafting sa Hunyo 21 sa Barclays Center sa Brooklyn