Mag-asawa sugatan sa ‘magnanakaw’ na kapitbahay

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Orly L. Barcala

Sugatan ang mag-asawa nang saksakin ng kanilang kapitbahay na umano’y nanloob sa kanilang bahay sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sina Marlyn, 41; at Oscar Borja, 47, ng Northville 11, Barangay Bignay ng nasabing lungsod.

Nagtamo ng saksak sa dibdib si Marlyn habang may malalim na sugat sa ulo si Oscar nang saksakin ni Noriel Alibadbad, 19.

Base sa report, pinasok ni Alibadbad ang 2nd floor ng bahay ng mag-asawa at kinuha ang nakatambak na mga bakal, dakong 2:00 ng madaling araw.

Nagising si Marlyn dahil sa kaluskos at tuluyang nakita ang suspek at sinita, ngunit sinaksak siya sa dibdib.

Dahil sa ingay, nagising si Oscar at nang sasaklolohan ang misis, siya naman ang sinaksak ni Alibadbad sa ulo.

“Nagsisigaw po ako kaya nagising ang mga kapitbahay namin,” ani Marlyn.

Pagsapit ng 5:00 ng hapon, dinampot n g s a f o l l o w – up operation ng Detective Management Unit (DMU) ng Valenzuela Police si Alibadbad at nakumpiska ang patalim na pinaniniwalaang ginamit nito sa krimen.

Kinasuhan si Alibadbad ng frustrated murder at paglabag sa B.P. 6.