Gerald at Bea, bawal makitang magkasama?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGTATAKA ang fans nina Gerald Anderson at Bea Alonzo kung bakit hindi sila nag-post ng picture nilang magkasama sa pagpunta sa Mt. Pinatubo. Kanya-kanya sila ng post, pero halatang magkasama dahil pareho ng background at parehong may picture ng helicopter na kanilang sinakyan.

GERALD copy

Pareho rin silang nag-mention ng crater ng Mt. Pinatubo na sabi ni Bea, isa sa bucketlist niya na natupad. Si Gerald naman, may picture na nasa harap sila sa crater ni Bea habang nasa loob pa ng chopper.

Itinatago ba nila na nagkabalikan na sila? O bawal ba silang makitang magkasama? Tanong tuloy ng fans, kung may kinalaman sa promo at showing ng Kasal this Wednesday na (May 16), kung bakit hindi nila ipinaalam na magkasama sila. Wala naman daw love team sa movie dahil pareho nang taken sina Paulo Avelino at Derek Ramsay, kaya hindi masisira ang promo.

May post si Bea tungkol sa Kasal ng Star Cinema: “You will finally get to see the movie. Playing Lia made me realize a lot of things about my own life like how to embrace my reality.. And she also gave me a new perspective about forgiveness and true happiness. I am feeling so blessed that i was given another opportunity to play a very interesting and complex character and work with such amazing and talented people on and off the camera… Sometimes, it’s not just about watching a movie, it is about the experience of seeing the journey of the characters… And let me leave it at that.”