Kainuman, pinatay ni lolo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac – Isang binata ang napatay nang saksakin ng 62-anyos niyang kainuman sa Barangay Palacpalac, Victoria, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Namatay sa pinangyarihan ng krimen si Avelino Dela Cruz, dahil sa saksak sa katawan, habang naaresto naman si Celestino Solon, binata, kapwa taga- Bgy. Palacpalac.

Nauna rito, nag-iinuman ang biktima, kasama ang suspek at iba pang katrabaho nang magtalo ang dalawa na humantong sa pananaksak.