Biyenan binistay ng manugang

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Liezle Basa Iñigo

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang isang lalaking pumaslang sa kanyang biyenan sa Barangay San Vicente, Tumauini, Isabela, nitong Sabado.

Ipinahayag ni SPO1 Arnel Gazzingan, ng Tumauini Police, na inalerto na nila ang pulisya sa lahat ng bayan na maaaring pagtaguan ni Rodmar Tamang, ng Tumauini,s na suspek sa pagpatay sa biyenan nitong si Cipriano Allapitan Ugaddan, 53, magsasaka, ng Core Shelter, Bgy. San Vicente, Tumauini, Isabela.

Sinabi ni SPO1 Gazzingan na pauwi na ang biktima, lulan sa kanyang tricycle, kasama ang mga kaanak na sina Glory Caronan, 42; at Analyn Manalo, 20, nang makasalubong ng suspek na sakay ng kotse (UMF-239) nito.

Lumapit ang suspek sa biktima at pinagbabaril niya ang mga ito.

Nakatakbo pa sa bukid si Ugaddan ngunit sinundan ito at pinagbabaril umano ni Tamang.