6 sugatan sa salpukan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Leandro Alborote

BAMBAN, Tarlac – Anim na katao ang nasugatan matapos magkabanggaan ang kanilang mga sasakyan sa national highway sa Barangay Anupol, Bamban, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay PO2 Jeramie Naranjo, ng Bamban Police, isinugod sa ospital ang sugatang mag-asawa na sina Emil Regala, 38; at Mariete Regala, 36; at mga anak na sina Michala, 12; Michelle Erica, 10; Michael Enrico, 8; at Ellery, 6, pawang ng Bgy. San Isidro, Magalang, Pampanga.

Kaagad namang tumakas ang driver ng Nissan Terrano at pinaghahanap na ng pulisya.

Patungo sa Mabalacat City ang behikulong sinasakyan ng pamilya nang mag-overtake ang Terrano at masagi ang kaliwang gulong ng kotse ni Regala hanggang sa sumalpok ang mga ito sa gilid ng kalsada.