5-anyos, nalunod sa pool

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Light A. Nolasco

GEN. TINIO, Nueva Ecija – Isang paslit ang nalunod sa isang farm resort sa General Tinio, Nueva Ecija, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng Gen. Tinio Police ang nasawi na si Jelo Sombillo, 5, ng Barangay Nazareth, Gen. Tinio.

Dakong 1:15 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng bata sa man-made na Paradise Resort, na pag-aari umano ng isang retiradong opisyal ng Philippine Army.

Tumalon umano ang bata sa apat na talampakan ang lalim na swimming pool.

Inaalam pa ng pulisya kung may pananagutan sa insidente ang pamunuan ng nasabing resort.