Ina ng EJK victims, ipagdasal

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Iniaalay ni Senador Leila de Lima sa mga nanay ng biktima ng extra judicial killings ang paggunita ng Mother’s Day.

Hiniling din ni De Lima sa sambayanan, na magdasal upang mabigyang ng sapat ng lakas ng loob ang libu-libong ina na nawalan ng mga anak dahil sa EJKs ng kasalukuyang gobyerno. Hustisya pa rin ang hiling ng senadora para sa kanila.- Leonel M. Abasola