Ex-Senate president Angara, pumanaw na

Filed under Balita, Features Balita RSS RSS Feed

Edgardo J. Angara

Edgardo J. Angara

Pumanaw na kahapon si dating Senate president Edgardo J. Angara dahil sa atake sa puso. Siya ay 83 anyos.

Ipinahayag ng kanyang anak na si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara, sa Twitter ang pagpanaw ng dating pinuno ng Senado.

“Sad to say my father former Sen Edgardo Javier Angara passed on from this life this morning at the age of 83, from an apparent heart attack,” saad sa kanyang post kahapon.

Hindi pa nagbibigay ang pamilya ng buong detalye sa pagpanaw ni Angara, ngunit sinabi ng nakababatang Angara na inaayos nila ang burol nito.

“We are still arranging funeral arrangements for my father but will keep everyone posted too. We ask for prayers for the repose of his soul,” tweet ni Sen. Sonny. – Vanne Elaine P. Terrazola