Aktor at aktres, naghihintayan bago magpakasal

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

TRULILI kaya ang tsikang nakarating sa amin na ilang taon pa ang hihintayin ng kilalang aktor at pakakasalan na niya ang girlfriend na aktres?

Kung ang aktres ang tatanungin, gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya dahil nasa tamang edad na siya, pero may obligasyon pa siya na kailangan niyang gampanan at tapusin, ang pinirmahang kontrata sa management company niya bukod pa sa magulang na hindi pa siya pinalalaya at siyempre kontra pang lumagay siya sa tahimik.

Nakaabang lang ang kilalang aktor sa aktres, at habang wala pang go signal ay panay ang kayod ng binata para sa future nila.

“Actually, napaghandaan naman na ni _____ (aktor) ang lahat, nagtayo na nga siya ng business niya na ang pamilya muna niya ang nagma-manage.  Marunong sa buhay si _____ (aktor) dahil lahat ng kinikita niya sa showbiz may pinaglalagyan siyang investment at hindi rin siya magastos, actually kuripot nga siya,” kuwento ng taong malapit sa aktor.

Samantalang ang aktres kapag nagkatuluyan sila ng aktor ay kuwestiyonable kung may maiaambag dahil lahat ng kinita o kinikita niya ay magulang niya ang may hawak at kung mayroon man siyang ipon ay baka pambayad lang ng bills niya.

Malaki ang kinikita ng aktres, pero hindi rin malaman ng mga kaibigan nila ng aktor kung barya lang ang nakukuha niya.

As of now, ang aktor ang nagpapasaya sa aktres kaya kapag uuwi na siya ng bahay at mag-isa na lang siya ay talagang nagkukulong na lang siya sa kuwarto.

In fairness loyal ang aktor sa kanyang girlfriend.