PH bumati kay Mahathir

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Ni Beth Camia

Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa muling pagkakahalal kay Mahathir Mohamad bilang prime minister ng Malaysia.

Ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na kumpiyansa ang Pilipinas na sa ilalim ni Mahathir ay lalong gaganda ang relasyon sa Malaysia.

Naging prime minister ng Malaysia si Mahathir sa loob ng 22 taon hanggang noong 2003. Nagbabalik sa puwesto ang 92 taong gulang na pinuno matapos talunin si Najib Razak sa halalan nitong Miyerkules.