Drug lords balik sa bldg. 14

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Ni Beth Camia

Paghihiwalayin ni Bureau of Corrections Director General Ronald dela Rosa ang mga dayuhan at lokal na drug lords sa New Bilibid Prisons, at ibabalik sa Bldg. 14 ang drug lords.

Matapos pormal na manumpa sa harap ni Justice Secretary Menardo Guevarra kahapon, tiniyak ni Dela Rosa na agad siyang magpapatupad ng mga reporma sa NBP kahit na malaking problema ngayon ang kawalan ng budget sa BuCor.

Nangako naman si Guevarra na isusulong ang mas mataas na budget ng BuCor para sa susunod na taon dahil sa mahigpit ang bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na iprayoridad ang problema sa iligal na droga at terorismo.