7 patay sa murder-suicide sa Australia

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

(AP/AFP) – Patay na nang matagpuan ng Australian police ang pitong miyembro ng isang pamilya, kabilang ang apat na bata, sa loob ng kanilang tahanan sa maliit na bayan ng Osmington, malapit sa Margaret River wine-growing region sa West Australia.

Rumesponde sa lugar ang pulisya matapos makatanggap ng tawag sa isang hindi pinangalanang lalaki at nadiskubre sa loob ng isang kamalig ang bangkay ng apat na bata, na nasa edad walo hanggang 13, kasama ang kanilang ina na kinilala bilang Katrina Miles, 35.

Sa loob naman ng bahay natapuan ang katawan ni Cynda Miles, 58, ina ni Katrina habang sa bakuran nakita ang bangkay ng ama ng biktima na si Peter Miles, 61.

“I can only say at this point in time, we have no information to raise concern about wider public safety issues,” pahayag ni Western Australia police commissioner Chris Dawson.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente na itinuturing na “worst mass shooting” sa Australia simula noong 1996.