Rhian Ramos at Kelley Day, nag-click agad ang friendship

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

ANG cute naman. Hindi lang kasi si Migo Adecer ang naging close kay Rhian Ramos dahil kapansin-pansin lately ang closeness nila ng kapwa The One That Got Away star na si Kelley Day.

Makikita ito sa posts ng dalawa sa kanilang social media lalo na sa Instagram. Kakulitan, ka-cute-an at kagandahan ang lagi nilang pinupuri sa isa’t isa. Recently nga, twinning pa sila ng suot na damit. Para saan kaya ito?

Samantala, ngayong linggo sa well-loved series ng GMA, magigising ang beshies sa isang isla nang mag-crash ang kanilang eroplano. Kailangang harapin nina Alex (Lovi Poe), Darcy (Max Collins), Zoe (Rhian Ramos) at Bunny (Nar Cabico) ang gutom, mga ahas at pati na ang kani-kanilang mga issue habang naghihintay ng ma-rescue. Samantala, nakahandusay sa ibang parte ng isla si Liam (Dennis Trillo). Mailigtas kaya siya nila Alex? Ito ang dapat abangan sa huling dalawang linggo ng sexy rom-com series pagkatapos ng Kambal Karibal