Poultry farms sa Nueva Ecija, nalugi

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Light A. Nolasco

NUEVA ECIJA – Nagrereklamo ang ilang may-ari ng poultry farm sa Nueva Ecija dahil sa pagkalugi, bunsod na rin ng nararanasang matinding init ng panahon.

Ayon kay Peñaranda Mayor Ferdinand Abesamis, napipilitang magsara ng mga poultry farm sa lugar dahil sa pagtaas ng presyo ng mga manok.

Gayunman, aniya, patuloy pa rin ang operasyon ng ilang air conditioned poultry farm sa lugar.