10 patay, 15 sugatan matapos araruhin ng van

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

TORONTO (Reuters) – Sampu ang nasawi habang 15 ang nasugatan matapos araruhin ng isang puting rental van ang gilid ng daan na puno ng mga tao sa Toronto, Canada nitong Lunes.

Kinilala ni Toronto Police Chief Mark Saunders ang drayber ng van nasi Alek Minassian, 25, na naaresto rin sa pinangyarihan insidente, ngunit hindi pa alam ang motibo.

“The actions definitely looked deliberate,” ani Saunders sa isang news conference.

Tinawag ni Prime Minister Justin Trudeau na “tragic and senseless attack” ang insidente na isa sa pinakamarahas sa bagong kasaysayan ng Canada.

Sinabi naman ni Federal Public Safety Minister Ralph Goodale na “There would appear to be no national security connections,” lalo’t 30 kilometro lamang ang layo nito sa pinagdarausan ng pagpupulong ng G7 ministers.