Dalawa dinakma sa pagsusugal, droga

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Mary Ann Santiago

Sa selda ang bagsak ng dalawang lalaki na natiyempuhang nagka-cara y cruz at nahulihan ng hinihinalang shabu ang isa sa mga ito sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City kamakalawa.

Sa ulat ng Marikina City Police, sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law sina Randy Anire at Alfie Ramos, kapwa nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar.

Kapwa sila inaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct 6 (PCP-6) sa Libis Street, sa Bgy. Concepcion Uno, banda ng 4:50 ng hapon.

Una rito, nakatanggap ng text message ang awtoridad hinggil sa mga lalaking nagsusugal sa lugar at sumalakay hanggang sa tuluyang naaresto ang mga suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina City Police.