COC filing extended hanggang bukas

Filed under Breaking News Balita RSS RSS Feed

Ni MARY ANN SANTIAGO

Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) ang panahon para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) hanggang 5:00 ng hapon bukas.

Si Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang nag-anunsyo ng COC filing extension sa kanyang Twitter account dakong 5:30 ng hapon ngayong Biyernes, ngunit wala naman itong kaakibat na paliwanag kung bakit nagdesisyon silang palawigin pa ang COC filing.

“EXTENDED. Filing of COC for Brgy and SK candidates extended until tomorrow (Saturday) at 5PM,” tweet ni Guanzon.