Very tempting ang offer pero nagpaka-loyal ako – Aiko Melendez

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI C. ESCALA

ISA sa maituturing na bff ngayon ng aktres na si Aiko Melendez ay si Sunshine Cruz. Magkasama ang dalawa sa katatapos lamang na top rating show na Wildflower. Umaasa si Aiko na muli silang magsamang dalawa sa future projects sa Kapamilya network.

Aiko lang copy

Pero mukhang not in the near future dahil kung si Aiko ay nabigyan agad ng ABS-CBN ng Bagani, si Sunshine naman ay nasa kabilang istasyon na at kasama sa seryeng Karibal Ko ang Aking Ina ng GMA Channel 7.

Ayon kay Aiko, halos sabay naman silang nagkaroon ng offer sa kabilang istasyon ni Sunshine pero hindi raw natinag ang pagiging Kapamilya niya.

“I’m very close to her so somehow that there was an offer sa kanya. In fact ako din, may offer din ako. Sabay-sabay ’yung Bagani at yung offer ko sa kabila. But as I have said, I opted to stay with Kapamilya.

Para kay Aiko ay walang masama kung magtrabaho man ang ibang artista sa ibang network.

“You know, any growth sa mga kasamahan ko, I’d be the happiest kasi kami lang naman, especially with Sunshine she’s a single mom, she just needed to work. Sure, if after her project with sa kabila, eh, she’d be happy to be back here sa Kapamilya,” kuwento niya.

Happy si Aiko sa bago niyang project.

“Ibang-iba ito kaysa role ko sa Wildflower madali naman tayong nakapag-adjust sa bagong role kong ito. Very tempting din naman ang offer sa akin ng kabila pero nagpaka-loyal ako,” napatawang sabi ni Aiko.

“Maganda ang samahan din naman namin dito pati sa mga staff. Hindi nila ako tinigilan hanggang mawala ko yung pagiging sosyal role ko bilang si Emilia. So ngayon I can safely say, nakakawala na ako don sa Wildflower,” pagbabahagi pa ng aktres.

Sinabi ni Aiko na sa Wildflower ay hard drama ang papel niya na malaking kaibahan talaga sa Bagani na isang fantaserye.

“Dineglamorize talaga ako, tapos may isang eksena dito. ‘yung action scene ko na first time ding makikita sa national TV na from 11 AM to 5PM kinunan pero ilang seconds lang mapapanood,” sey pa ni Aikes.

Nang first time daw na mapanood ni Aiko ang teaser ng Bagani ay hindi raw siya makapaniwala agad.

“So, it’s physically draining talaga. When I saw the trailer, parang ang sarap, magtrabaho sa Bagani. Sabi ko noon, magiging at home kaya ako dito, eh, kasi sa Wildflower , isang taong umere, di ba true enough, we’re a family now, at home na rin ako,” natatawang lahad pa rin ng magaling na aktres.