NFA buffer stock dadagdagan

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Beth Camia

Inatasan ni Pangulong Duterte ang National Food Authority (NFA) na dagdagan ang buffer stock ng bigas at gawin itong para sa 60 araw, mula sa kasalukuyang 15 araw lamang.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa pulong nitong Lunes ng gabi sa Malacañang, para sa mga miyembro ng reorganized na National Food Authority (NFA) Council, at mga rice trader.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, partikular na inatasan ng Pangulo si Finance Secretary Carlos Dominguez na tumulong para mapondohan ang local rice procurement program ng NFA.

Inatasan din ng Presidente ang NFA na itaas ang presyuhan nito sa pagbili ng ani ng mga magsasaka.