Kristine Hermosa, at home sa location ng ‘Bagani’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI C. ESCALA

MARAMI ang nagulat sa pagbabalik ng isa sa sinasabing may pinakamagandang mukha sa showbiz na si Kristine Hermosa.

Kristine-1 copy

Akala kasi ng iba ay tuluyan nang iniwan ni Kristine ang pelikula at telebisyon at manatili na lang siyang maybahay.

Kasama ngayon si Kristine sa Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Ayon kay Kristine, hindi naman ganun kadali ang muling pagharap niya sa kamera. Kumbaga, talagang pinag-iisipan daw niyang mabuti kung tatanggapin ang offer ng ABS-CBN.

“Alam naman ng lahat na ang puso ko naman talaga, eh, sa pamilya ko na. I prayed about it and asked God. Nanghingi ako ng sign sa Itaas. Sabi ko ‘Lord, gusto mo na ba na bumalik talaga ako?’

“Alam ko na baka imposible na but it worked out. Parang nag-yes sila sa lahat at doon ako biglang kinabahan,” pagkukuwento pa ni Kristine.

Walong taon na ang nakalipas nang huli siyang gumawa ng serye, ang Noah ng ABS-CBN Channel 2. Kaya nga raw sa walong taon ay sobrang nanibago siya ngayon na para bang ngayon lang siya aarte muli.

“Siyempre. Kapag bago ka ulit with, what you’re doing, parang andun yung nangangapa ka uli sa mga tao, sa lahat. But I’m happy, at okay naman,” banggit pa ng magandang aktres.

Tuwang tuwa pa ring ikinuwento ni Kristine na ang location taping ng Bagani ay ang lugar din kung saan madalas din daw ginaganap noon ang taping ng Pangako Sa ‘Yo.

“Yun din ang lugar kung saan kami nag-shoot ng Pangako Sa ‘Yo. Kaya nung first taping day ko, eh, pamilyar na agad sa akin ‘yung set. Ang tagal ko pala talagang nag-shooting sa lugar na ‘yun,” sey pa ni Kristine.

Natawa lang si Kristine sa tanong kung tuloy-tuloy na ang pagbabalik showbiz niya, huh!