Celebs, nasa Boracay para sa Rachelle Ann-Martin wedding

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

BUKAS, April 19, ang kasal nina Rachelle Ann Go at Martin Spies sa Boracay din kung saan naganap ang marriage proposal ng groom sa bride noong September 23, 2017.

erik-kyla-sarah-2 copy

Kung hindi kami nagkakamali, ang Spies-Go ang last celebrity wedding na magaganap sa Boracay bago magsara ang isla sa Abril 26.

In fairness, walang nagpo-post sa invited guest tungkol sa kaganapan bago ang kasal bukas. Sa IG story lang ni Erik Santos nakita na kasabay niyang pumunta sa Boracay sina Sarah Geronimo at Kyla Alvarez.

Sa IG story din ni Erik, nakalagay na sa Discovery Shores naka-billet ang mga bisita at pati na rin siguro ang mga ikakasal at ang kanilang pamilya.

Sa April 20 naman ang kasal sa Balesin nina Billy Crawford at Coleen Garcia, at bago magtapos ang 2018, ikakasal sina Christian Bautista at Kat Ramnani.