Tony Labrusca , leading man ni Liza sa ‘Darna’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

KUMPIRMADONG si Tony Labrusca na ang leading man ni Liza Soberano sa Darna. Ito ang nakalap naming balita sa ABS-CBN.

Tony copy

Matatandaang kumalat ang pangalan ni Tony sa launching ng 2018 Star Magic Circle na isa siya sa bagong miyembro pero hindi niya ito inamin dahil wala naman daw final decision.

Pero inamin ni Tony na naririnig din niya na kino-consider siya at ayaw niyang mag-assume dahil baka masaktan siya.

Pagkalipas ng halos isang buwan ay may desisyon na ang management na si Tony na nga ang leading man ni Liza Soberano sa Darna movie niya na ididirek ni Erik Matti for Star Cinema.

Para sa amin ay perfect na leading man si Tony dahil mahusay siya sa action na malaking tulong dahil magaling siya sa acrobat na sports niya noong nasa Canada pa siya at magaling din siya sa martial arts.

Akalain mo, kaya pala hindi nakapasok si Tony sa Boyband PH ay dahil pang artista pala siya at nauna siyang napansin sa La Luna Sangre bilang si Jake na ka-love triangle nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

At ngayon si Liza naman ang love interest niya sa Darna. Sa mga LizQuen supporters, suportahan n’yo na lang ang pelikula ha, huwag ninyong i-bash si Tony