Ryan-Juday, sa Europe magdiriwang ng wedding anniversary

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NORA V. CALDERON

SUMMER season na sa Pilipinas, kaya naman biyaheng abroad na rin ang celebrities sa mga lugar na malamig. Ang sarap naman talagang magbiyahe, lalo na kung mahilig kang pumunta sa iba’t ibang lugar sa mundo, sabi nga, hanggang bata pa at kaya pang maglakad.

Juday & Ryan Amampulo copy

Una na ngang umalis nitong Sabado, April 14, ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos para sa long vacation nila sa Europe, particular sa Italy. Doon na rin nila ise-celebrate ang birthday ni Ryan last April 10, wedding anniversary nila sa April 28, at birthday ni Juday sa May 11. Nakaugalian na nila na tuwing ganitong panahon, either they travel abroad or sa isang lugar sa Pilipinas sila to celebrate. Sina Yohan, Lucio at Luna ay maiiwan either kay Mommy Carol Santos o sa mommy ni Ryan.

Bago umalis, nag-taping muna si Juday ng kanyang online cooking show na #Judy Ann’s Kitchen, na ngayon ay nasa Season 5 na.

Balitang may bagong teleserye na gagawin si Juday sa Kapamilya Network sa kanyang pagbabalik sa bansa. May gagawin din namang serye si Ryan sa GMA 7.
Enjoy your vacations lovers!