Negosyante dedo sa inuman

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Lyka Manalo

LIPA CITY, Batangas – Patay ang isang negosyante nang barilin umano ng isang hindi nakilalang lalaki habang nakikipag-inuman sa Lipa City, Batangas, nitong Linggo ng hapon.

Dead on arrival sa Metro Lipa Medical Center si Bayani Tapay, 59, ng Balete, Batangas.

Naiulat ng Batangas Police Provincial Office na nakikipag-inuman ang biktima sa likuran ng kanyang tindahan sa Barangay Bulacnin nang dumating ang suspek.

Bigla na lamang binaril ng suspek ang biktima at nang matiyak na patay na ito ay kaagad na tumakas sakay sa motorsiklo.