‘Kris Aquino,’ bagong member ng team ni Kris

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Reggee Bonoan

TAWANG-TAWA kami habang binabasa namin ang mga komento ng followers ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post dahil may bagong miyembro ang KCAP at kapangalan niya.

KRIS copy

Post ni Kris nitong Lunes ng 11AM, “Have a happy Monday. We have a new KCAP Team member, she is Kris Aquino (exact name & spelling but she’s Kristina Olivia, not Kristina Bernadette). She edited our Shinkansen adventure for all of you to see this Monday morning. In case you are wondering, she & Ernan are dividing all the shooting & editing supervision work. Yes, we are growing & can afford more people in our digital world. And that’s thanks to all of you & your support! #lovelovelove.”

Ang IG account ng bagong miyembro ng KCAP ay @hellokris na inulan siya ng pagbati pati si Mariel Rodriguez-Padilla na follower din ng Queen of Online World at Social Media ay binati rin siya ng, “wohohohoho yay @hellokris.”

Sumagot naman ang bagong miyembro na si @hellokris ng, “super-grateful to be part of the KCAP team.”

Sa Japan kaya nakilala ni Kris ang katukayo niya at inalok na sa kanya na mag-trabaho dahil kung dito sa Pilipinas, e, di sana matagal na niya itong naibalita, ano sa palagay mo bossing DMB?

Samantala, pareho pala ng kaarawan sina Kim Chiu at anak nitong si Bimby na kasama niya ngayon sa Tokyo, Japan para mag-selebra.

Pinadalhan ni Kris si Kimmy ng pumpon ng iba’t ibang shaded ng pink roses na sa tantiya namin ay nasa 6 dozens ito.
Caption ni Kris sa picture ni Kim na hawak-hawak ang mga bulaklak, “@chinitaprincess will always be special. We sent our birthday flowers yesterday (ordered them from @petalier_before we left) when I woke up I saw she sent me a pic saying thank you.

“To Bimb’s ka-birthday, here’s to LOVE, LAUGHTER, and of course- happily ever after. Up or down, busy or not- saan man ako, her love & concern for me never changed. That’s why i know she’s the real deal. Happy birthday Kimmy (19 April 1990) WE LOVE YOU!!! “